Paglunsad ng Wikasaysayan sa Departamento ng Senior High School Ngayong A.Y. 2025-2026
- Zaina Mae P. Villanueva
- Sep 2
- 1 min read
Updated: Sep 12

Noong Augosto 18 2025, inilunsad ang Wikasaysayan 2025 na may temang: “Kapayapaan at Kapatiran: Sandigan ang Wikang Nagbubuklod at mga Institusyong Panlipunan Tungo sa Pagkakaisa ng mga Bansa” sa Main AVR. Ito ay ginanap mula 7:15 hanggang 8:20 ng umaga.
Ang programa ay dinaluhan ng mga estudyante atguro ng departamento ng Senior High School (SHS). Sinimulan ito sa pagsagawa ng normalisasyon na pinamunuhan ng baitang 11 San Ignacio, at sinundan ni (enter name) sa pambungad na panalangin.
Para magising ang mga diwa ng mga estudyante, nagpalaro sina Bb. Mica Ella Bedonia at Bb. Majorie Grefal patungkol sa mga iba’t ibang giyera at tunggalian na naganap sa kasaysayan ng mundo at kung bakit importante na ito’y ating pag-aralan.
Opisyal naman na binuksan ni Bb. Welrey Mae Maravilla ang mismong programa sa pambungad na pananalita, kung saan binigyan niya ng importansya ang paggamit ng wika.
Pagkatapos nito ay inilahad ang mga aktibidad at paligsahan na pwedeng salihan ng lahat. Nagwakas naman ang programa sa pagwakas na pananalita galing kay Gng. Princess Diane L. Tarcena at isang panalangin mula kay Careen Nicole Ordiales.
Ang pagsagawa ng Wikasaysayan ay tunay na mahalaga upang mas umusbong ang sariling wika at para di makalimutan ang importansya nito sa maraming aspekto.