Wikasaysayan 2025: Pinagbuklod ng Wika, Pinagyaman ng Lipunan
- Andrea Kolynne D. Cabrera & Rhianne Carys B. Yarra
- Sep 10
- 7 min read
Kontribusyon Nina: G. Raymond Joseph Bersamin, Bb. Nickole Beautrix Francisco, Bb. Welrey Mae Maravilla, at Bb. Careen Nicole Raphiel R. Ordiales

Mula buwan ng Agosto hanggang Setyembre, ipinagdiwang ng departamento ng Senior High School (SHS) ang Buwan ng Wika at Kasaysayan 2025, na may temang: “Kapayapaan at Kapatiran: Sandigan ang mga Institusyong Panlipunan at Katutubong Wika Tungo sa Pagkakaisa ng mga Bansa.”
Nagbukas ang selebrasyon ng Wikasaysayan 2025 noong ika-18 ng Agosto sa Main AVR, sa pangunguna nina Bb. Princess Diane Tarcena at Bb. Welrey Mae Maravilla. Nagsilbi namang mga tagapagdaloy ng programa sina Rhianne Carys Yarra at Santino Lorenzo Calpo.
Bago pa man ang opisyal na pag-aanunsyo ng mga kumpetisyon, pinangunahan nina Bb. Mica Ella Bedonia at Bb. Marjorie Grefal ang isang maikling laro na tumalakay sa kasaysayan ng Pilipinas, kung saan ang mga mag-aaral ay nakipagkompetensya sa pagsagot ng mga tanong na inihanda.
Noong ika-20 ng Agosto, nagsimula ang mga kumpetisyon na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 11 at 12. Ang mga nasabing kumpetisyon ay ang Tradisyunal na Paggawa ng Poster at Paglikha ng Infographics na pinamunuan nina G. Archie Curiba, Bb. Mica Bedonia, Bb. Marjorie Grefal, Gng. Colleen Camarillo, at Gng. Princess Diane Tarcena.
Pagsapit ng hapon ng ika-3 ng Setyembre, nagtipon ang buong departamento ng SHS sa Old Gymnasium upang isagawa ang mga Palarong Pinoy na pinamunuan nina Bb. Mica Ella Bedonia at G. Edizon Zamora. Isa sa mga itinampok na laro ay ang Pinoy Henyo, na siyang nagpakita ng talino, galing, at kooperasyon ng bawat pangkat. Sa huli, nagwagi ang Baitang 12 – San Juan na nakakuha ng tatlong puntos. Sinundan naman ito ng isa pang nakakaaliw na laro, ang Straw Relay, kung saan mayroong sampung kinatawan mula sa bawat pangkat, kasama ang isang guro. Sa larong ito, itinanghal na panalo ang Baitang 12 – San Lucas.
Kinabukasan naman ay nag-tipon-tipong muli ang mga mag-aaral mula sa SHS, kasama ang buong departamento ng Junior High School (JHS) sa Old Gymnasium. Bawat isa ay suot ang kani-kanilang mga kasuotang pinoy. Naghandog ng pambungad na pagtatanghal ang VYBE Club at ACTivate Society. Ibinida nila ang kanilang angking galing sa musika at pagsayaw, na talaga namang agaw-atensyon at nagbigay-kulay sa programa. Matapos nito ay nagkaroong muli ng larong Pinoy Henyo, na siyang pinangunahan ni G. Ranniel Paabot. Bawat baitang ng JHS at SHS ay nagkaroon ng isang kinatawan at nagpaligsahan sa paghula. Ang nanalo sa palarong ito ay ang Baitang walo.
Simula Agosto hanggang Setyembre ay abala ang mga kinatawan ng bawat baitang at pangkat sa pagsusumite ng kanilang mga awtput para sa iba’t ibang mga kumpetisyon gaya ng Isip-Hayag, Pagkaing Komersyal, Sulkas-Tula, Balitaktakan, at Podcast. Sa bawat patimpalak, kinailangang iugnay ng mga kalahok ang kanilang mga awtput sa tema ng selebrasyon. Sa pamamagitan nito, naipakita ng bawat mag-aaral at bawat awtput na ang kapayapaan ay nag-uugat sa pag-unawa, ang kapatiran ay mas lumalakas kung sama-samang kikilos, at ang pagkakaisa ay mas tumitibay sa pagpapahalaga sa ating mga katutubong wika at institusyong panlipunan.
Bilang parte ng pagdiriwang ng Wikasaysayan, nagkaroon din ng kumperensya, kung saan naimbitahan si Dr. Louie Benedict R. Ignacio, isang propesor sa UST Faculty of Arts and Letters, noong Setyembre 5, 2025 upang higit pang palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa tema. Tinalakay sa webinar ang kahalagahan ng mga institusyong panlipunan gaya ng pamilya, simbahan, paaralan, at pamahalaan, pati na rin ang kanilang gampanin sa ating bayan. Bukod dito, binigyang-diin din ni Dr. Ignacio ang kahulugan at kahalagahan ng wika. “Ang wika ay hindi lamang daluyan ng salita kundi tagapagdala ng ating pagkakakilanlan, kasaysayan, at pananaw,” pahayag niya. Dahil sa webinar na ito, mas namulat ang mga mag-aaral sa mas malalim na dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Nalaman nilang ito ay hindi lamang paggunita sa ating kasaysayan, kundi pagkakataon upang ipagmalaki at pangalagaan ang ating pagkakakilanlan at kultura.
Upang bigyang-diin ang pagtatapos ng Wikasaysayan 2025, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Senior High School sa Main AVR upang saksihan ang pangwakas na programa. Sinimulan ito ng isang masiglang sayaw mula sa mga piling mag-aaral, sinundan ng pag-anunsyo ng mga nagwagi sa iba’t ibang mga kumpetisyon, kasama ang pagpapalabas ng bidyo ng mga nanalo. Nagpatuloy ang kasiyahan sa pagtatanghal ng mga kalahok ng Himigsikan mula sa Baitang 11 at 12. Ang mga kinatawan ng dalawang baitang ay nagpamalas ng kanilang talento sa musika na may dalang mensaheng nakaugnay sa tema ng pagdiriwang.
Nag-init namang muli ang entablado nang magsimula ang pinakahihintay na bahagi ng programa—ang Lakan at Lakambini 2025. Tunay na namangha ang lahat sa ipinakitang galing, talino, at husay ng mga kalahok sa pagpapakilala, pagpapamalas ng talento, at makabuluhang pagsagot. Sa huli, kinoronahan bilang Lakan at Lakambini 2025 sina Lamar Noah F. De Geron at Careen Nicole Raphiel R. Ordiales, mula sa Pangkat San Ignacio. Ayon kay Careen, “Hindi lamang sa kinang ng kasuotan o husay ng talento nasusukat ang aking halaga, kundi sa lalim ng kaisipan at pusong nagmumula sa ating wika at kasaysayan. Sa Lakan at Lakambini Pageant, ipinapakita na ang tunay na kagandahan ay makikita sa talino, malasakit, at pagrespeto sa ating kultura. Ito’y paalala na ang kapayapaan at pagkakaisa ay nagsisimula sa pagpapahalaga sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.”
Ang Wikasaysayan ay taunang ginaganap upang ipagdiwang ang kahalagahan ng napakayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas. Ngunit, ngayong taon, naging higit na espesyal ang pagdiriwang na ito. Hindi lamang pagbibigay liwanag sa ating mayamang kultura ang naging tuon, kundi pati na rin ang pagpapalaganap ng ating katutubong wika at pagbibigay halaga sa iba’t ibang mga institusyong panlipunan, kung saan ang bawat isa ay may mahalagang papel sa bayan.
Higit pa sa karangalan at tropeo, ang nasabing patimpalak ay nagsilbing paalala na ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan ay pagkakataon upang pagtibayin ang pagkakaisa ng mga kabataan at palawakin ang pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura. Bagama’t hindi lahat ay nagwagi, ipinamalas ng bawat isa ang kanilang buong husay at dedikasyon, na siyang nagsilbing inspirasyon upang ipakita na ang ating wika at kultura ay hindi lamang yaman ng nakaraan, kundi isang mahalagang kasangkapan na patuloy na bumubuo sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa kabuuan, hindi lamang naging simpleng selebrasyon ang Wikasaysayan, kundi isang makabuluhang pagpupulong ng bawat kabataan, guro, at institusyong panlipunan upang bigyang-diin ang kahalagahan ng ating wika, kultura, at pagkakaisa. Sa ganitong paraan, hindi lamang napayaman ang kasaysayan ng ating paaralan, kundi mas lalo pang napagtibay ang diwang makabayan at pagmamahal sa sariling wika at kultura ng bawat mag-aaral.
Nawa’y magsilbing paalala ang selebrasyong ito na ang bawat tinig, bawat tradisyon, at bawat pagkakaiba ay mahalagang haligi ng isang nagkakaisang bayan.
Mga nagwagi sa bawat kumpetisyon na ginanap para sa Wikasaysayan 2025:
ISIP-HAYAG (DAGLIANG TALUMPATI)
🥇 Unang Gantimpala: St. Matthew — Anne Kirsten M. Cupo
🥈 Ikalawang Gantimpala: San Lucas — Daniel Joaquin S. Santos
🥉 Ikatlong Gantimpala: San Lorenzo — Hilary Candice M. Crucillo & San Juan — Lorenzo B. Llanes
TRADISYUNAL NA PAGGAWA NG POSTER
🥇 Unang Gantimpala: San Lucas — Chloe Rielle O. Sy
🥈 Ikalawang Gantimpala: San Marcos — Yuhan Nayri T. Padsoyan
🥉 Ikatlong Gantimpala: San Juan — Cinne Adrianna V. Chua
KOMERSYAL NG PAGKAING PINOY
🥇 Unang Gantimpala: San Juan — Andrei Frederic A. De Castro, Jason Gabriel L. Del Rosario, Lorenzo B. Llanes, Sydney D.L.S. Barcenas, Mairlaine C. Tagayuna
🥈 Ikalawang Gantimpala: San Mateo — Keith Andrew T. Bugia, Kimi Cesar Luis A. Goco, Helena Yohann A. Abantao, Chio Adanya S. Matias, Gabriella V. Saguin
🥉 Ikatlong Gantimpala:
San Lucas — Karl Dominic F. Gatbonton, John Albert B. Pangilinan, Gabriel Anthony Gerard M. Tuboro, Denise Aizle R. Calalay, Rocinne R. Guevara
San Marcos — Anika Joy N. De Capia, Maria Ysobelle G. Marcos, Amanda Luis T. Martinez, Keyshia Catherine D. Monteiro, Rhianne Carys B. Yarra
PAGLIKHA NG INFOGRAPHIC
🥇 Unang Gantimpala: St. Luke — Krystelle Ann A. Visda
🥈 Ikalawang Gantimpala: St. John — Andrei Frederic A. De Castro
🥉 Ikatlong Gantimpala: St. John — Gabriella S. Guerra
SULKAS-TULA (SPOKEN WORD POETRY)
🥇 Unang Gantimpala: San Ignacio — Chelzea Elisz G. Casiño
🥈 Ikalawang Gantimpala: Santa Candida — Andrea Kolynne D. Cabrera
🥉 Ikatlong Gantimpala: San Juan — Franco Gabriel C. Goze
PAGLIKHA NG PODCAST
🥇 Unang Gantimpala: San Mateo — Raphael Joaquim C. Dillera, Paul Matthew V. Dacanay, Enzo Luis O. Livelo
🥈 Ikalawang Gantimpala: San Juan — James Stephen A. Bauca, Andrei Josef O. Bonuan, Marco Alessandro T. Tatoy
🥉 Ikatlong Gantimpala: Charlize Nicole M. Celdran, Maria Ysobelle G. Marcos, Rhianne Carys B. Yarra
BALITAKTAKAN (MALIKHAING PAGBABALITA)
🥇 Unang Gantimpala: San Lucas — Krystelle Ann A. Visda
🥈 Ikalawang Gantimpala: San Mateo — Chio Adanya S. Matias
🥉 Ikatlong Gantimpala: San Marcos — Yzabel Beatriz T. Casin
LAKAN AT LAKAMBINI
MAHUSAY NA PAGPAPAKILALA
Lakan: San Lucas – Gabriel Anthony Gerard M. Tuboro
Lakambini: San Lucas – Therese Antoiniette G. Custodio
PRESENTASYON NG TALENTO
Lakan: San Marcos – Harvey Jericho Reign R. Alarcon
Lakambini: San Marcos – Yuhan Nayri T. Padsoyan
PALAKAIBIGAN
Lakan: San Pedro – Marthus R. Guevara
Lakambini: San Lorenzo – Nathania I. Agapay
PINAKAMAHUSAY NA KASAGUTAN
Lakan: San Ignacio – Lamar Noah F. De Geron
Lakambini: San Ignacio – Careen Nicole Raphiel R. Ordiales
KAMPYEON 🥇
Lakan: San Ignacio – Lamar Noah F. De Geron
Lakambini: San Ignacio – Careen Nicole Raphiel R. Ordiales
UNANG GANTIMPALA 🥈
Lakan: San Marcos – Harvey Jericho Reign R. Alarcon
Lakambini: San Marcos – Yuhan Nayri T. Padsoyan
IKALAWANG GANTIMPALA 🥉
Lakan: San Mateo – Hayden Gabriel O. Milanes
Lakambini: San Lucas – Therese Antoiniette G. Custodio
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Para kay G. Raymond Joseph Bersamin, gurong tagapayo ng Pangkat San Juan, ang pinakamahalagang bagay na maibibigay ng isang guro sa kaniyang klase ay ang kaniyang palagiang presensya, dahil, aniya, “Higit na mahalaga ang presensya ng sinuman, guro man o hindi, sapagkat ito ay nagpapakita ng suporta at pagtitiwala.”
Samantala, binigyang-diin ni Bb. Welrey Mae Maravilla, isa sa mga namuno ng Wikasaysayan 2025 ang kahalagahan ng temang pinili para sa pagdiriwang, at ayon sa kaniya, “Mahalagang maisapuso ang tema sapagkat ang kapayapaan at kapatiran ay hindi lamang hangarin, kundi tungkulin.”
Para naman kay Bb. Nickole Beautrix Francisco, ang lakambini ng San Mateo, ang Lakan at Lakambini Pageant ay nagsisilbing patunay na higit pa sa pisikal na anyo ang sukatan ng kagandahan, sapagkat, aniya, “Ang tunay na saysay ng patimpalak na ito ay hindi makikita sa kagandahan at anyo kundi sa kung paano naibahagi ng bawat kalahok ang kanilang opinyon at pagpapahalaga sa wika at kultura.”