top of page

Huwad na Pag-asa

Updated: Sep 10

ree

Daan-daang dokumentaryo ang naisasagawa patungkol sa mga naghihikahos na Pilipino at sa kanilang walang katapusang pakikipagsapalaran.


Saksi ang mga lente sa araw-araw nilang pagbangon, pagtitiyaga, at pag-asa, kahit pa tila wala namang patutunguhan.


At ang tugon ng karamihan? “Gayahin mo ‘yan.”

Dahil masipag at hindi sumusuko — dahil may ngiti pa rin sa mga labi sa kabila ng kahirapan.


Ngunit ang hindi nila nakikita, mas angat ang pagod sa katawan kaysa kasiyahan.

At ang mga ngiti ay hindi dahil masaya sila sa kanilang kalagayan, kundi dahil sa ginhawa.

Ginhawa dahil kinakaya nilang lampasan ang bawat pagsubok ng buhay.


Ito ay paghinga, hindi paglaya.


Ang ginhawang ito ay pansamantala lamang, dahil ang ugat ng problema ay nananatili; handang sumibol muli sa susunod na bagyo, krisis, o kakulangan.


Kung tutuusin, hindi lamang tuwing may krisis dapat ipagdiwang ang katatagan ng mga Pilipino. Araw-araw itong nasasaksihan — sa mga kalsada, sa ilalim ng tirik na araw, at maging sa gitna ng malalakas na buhos ng ulan — patuloy ang pagsusumikap, kahit kapalit ay pagod at panganib, basta’t may maihain lamang sa hapag-kainan.


At ang sabi nila, kapag may tiyaga, may nilaga.


Kung totoo nga ang kasabihang iyon, wala na sanang Pilipinong nananatili sa tanikala ng kahirapan. Taun-taon tayong nagtitiyaga sa kapirasong kita, sa kakulangan ng oportunidad, at sa mga serbisyong tila kalakal na lang at hindi karapatan.

Untitled design (8).png

The Phoenix is Manresa School's official publication. Managed by students from the Senior High School Department, we at The Phoenix are committed to being the voice that allows Manresans to rise from the ashes—becoming self-actualized, lifelong learners.

Senior High School Department

Manresa School Bb. Ramona Tirona Parañaque

1720 Metro Manila, Philippines

Untitled design (8).png

© 2025 The Phoenix.

bottom of page